Sunday, May 5, 2024

Pagdiriwang sa pagpasok ng taong 2020, record breaking — PNP

- Advertisement -

Tinawag ng Philippine National Police (PNP) na record breaking ang naging pagdiriwang sa bisperas ng bagong taon at New Year’s Eve dahil walang naitalang nasawi na may kinalaman sa selebrasyon.

Batay sa datos ng pambansang pulisya, simula ala sais ng umaga noong Disyembre 31, 2019 hanggang ala sais ng umaga kahapon January 1, 2020 ay walang naitalang nasawi.

Ayon kay PNP Spokesperson P. Brig. Gen. Bernard Banac, tanging isang sibilyan lamang sa Region 2 ang kanilang naaresto dahil sa ilegal nitong pinaputok ang kanyang baril ngunit wala naman tinamaan sa putok ng kanyang baril.

Samantala, itinuturing naman pinakaligtas at mapayapa ang pagpasok ng taong 2020 sa kasaysayan ng bansa simula nang nauso ang paggamit ng baril sa pagsalubong ng bagong taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img