Bagong AFP Chief itinalaga na

0
11

Itinalaga bilang susunod na bagong hepe ng Armed Forces of the Philippines si Eastern Command Chief Lt. Gen. Felimon Santos Jr. bilang kapalit kay Gen. Noel Clement na nakatakdang magretiro ngayong buwan.

Kinilala si Santos bilang miyembro ng Philippine Military Academy “Sinagtala” class of 1986 at bago ito italaga sa Eastmincom ay pinangasiwaan nito ang army’s 7th infantry division.

Samantala, nakatakda namang pangunahan ni Pangulong Duterte ang turnover command sa darating na Sabado, January 4.