Thursday, May 2, 2024

Pagadian: Negosyante na namemeke ng vaccination card, arestado sa Pagadian city

- Advertisement -

Pagadian City – Kinilala ang suspek na si Estrella Leyson,55-anyos at residente ng Prk. Sampaguita sakop ng barangay Napolan.

Visit RPN DXKP Pagadian

Inaresto siya sa pamamagitan ng entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa pamumuno ni Lt. Col. Jose Rivero III,Regional Intelligence Division (RID) at Intelligence Section ng Pagadian City Police Station.

Nahuli siya partikular sa kanyang tindahan sa may harapan ng Columban College ng barangay San Francisco.

Ilang piraso ng pekeng vacination card ang nakuha sa kanya.

Kada isang pekeng vaccination card ay ibinebenta raw ng suspek ng halagang 500 pesos.

Sa isng panayam ,sinabi ni Leyson na ang mismong tauhan niya ang nag-iimprenta ng mga pekeng vaccination card at hindi siya.

Sa katunayan sinaway pa nga raw niya ito nang malaman ang ginagawang pamemeke.

Pero sa kalagitnaan ng interview,kumambyo ang suspek at inaming may natatanggap siyang pera sa kanyang tauhan sa pamemeke ng vaccination card.

Nakadetina siya ngayon sa Pagadian City PNP Costudial Facility habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img