Hakbang ng pamahalaan sa pagtugon ng lumalalang kaso ng dengue pinasisilip na sa kamara

0
51

Pinasisilip na sa kamara ng Makabayan bloc ang mga naging hakbang ng pamahalaan para tugunan ang lumalalang kaso ng dengue sa bansa.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng ‘dengue national health emergency’ sa bansa matapos umabot sa 491 ang mga nasawi dahil sa naturang sakit at pagdoble ng bilang ng mga naitalang dengue cases.

Sa ilalim ng House Resolution 124 na inihain ng Makabayan bloc, inaatasan nito ang Committe on Health na imbestigahan ang mga aksyon ng pamahalaan sa dengue outbreak sa bansa at kung may sapat na pondo para tugunan ang pangangailangan ng mga dinapuan ng naturang sakit.

Nakasaad din sa naturang resolusyon na mula Enero hanggang Hulyo ng taong ito ay dumoble sa 115,000 ang kaso ng dengue sa bansa.