Saturday, May 11, 2024

Pacquiao may bwelta sa naging pahayag ni Mayweather ukol sa kanya

- Advertisement -

Binuweltahan ni fighting Senator Manny Pacquiao ang retiradong boksingero na si Floyd Mayweather Jr.

Ito ay matapos ang pahayag ni Mayweather na hindi na dapat habulin pa ng mga top welterweight stars gaya nina Errol Spence Jr. at Terence Crawford si Manny Pacquiao dahil sa katandaan nito at dapat na sila-sila nalang umano ang maglaban.

Ayon kay Manny Pacquiao, naiinggit lamang si Mayweather dahil ilang taon na itong retirado.

Aniya, hindi naman problema sa kanya kung makipagsagupaan sa mga batang boksingero na nagnanais na makatunggali sya sa boxing ring.

Dagdag pa ni Pacquiao na wala rin syang balak na magretiro dahil sa kanyang edad o pandemyang COVID-19 na syang nagpahinto sa lahat ng sporting activities sa buong mundo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -