Baguio: PRO-Cor nakakumpiska ng mahigit na P270M halaga ng illegal na druga at pagkahuli ng anim na tao

0
9
photo courtesy of PRO-Cor

Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Sa pagpapahayag ng Police Regional Office Cordillera (PRO Cordillera) matapos na makasamsam ng kabuang halaga ng PhP270,203,352.00 ng illegal drugs at humantong sa pagkaaresto ng anim katao na may kaugnayan sa illegal druga noong isinagawa ang isang linggo operasyon laban dito sa Cordillera region.

Ayon sa ulat mula sa Regional Operations Division, ang mga naturang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba ng anti-illegal drugs ng PRO Cordillera mula Abril a 29 hangang Mayo a 5, 2024, sa iba’t ibang probinsiya sa rehion.

Ang naturang operasyon ay nagresulta sa 12 magkahiwalay na operasyon sa pagsugpo ng marijuana kabilang ang tatlo pang police operations.

Ang mga kapulisan ay nakahuli ng anim na hinihinalang tulak ng druga matapos na makitaan sila ng pinagsamang kabuan ng 8.14 gramo ng hinihinalang Shabu, 240 miligramo ng langis ng Marijuana at 62, 300 gramo ng pinatuyong tangkay ng marijuana na may kasamang bunga nito na nagkakahalaga ng PhP7,543,352.00.

Sa mga naarestong suspek, lima sa kanila ay kinilala bilang Streel Level Individuals at ang isa ay nakilala bilang isang High-Value Individual, ang lahat ay humaharap sa paglabag sa R.A. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, sa magkaibang operasyon ng pagsugpo ng Marijuana na isinagawa ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng 838,100 na ganap na laki na tanim na Marijuana at 792,000 gramo ng pinatuyong dahon ng Marijuana na may bunga pa na may kabuang halaga ng PhP262,660,000.00.

Ang lahat ng nasamsam na illegal na druga ay sinunog matapos ang pagkadokumento nito.

Samantala, isinasagawa na ang follow-up operations upang matukoy pa ang iba pang marijuana plantation sites at mahuli ang mga nagtanim ng nito. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply