Friday, May 17, 2024

NTC makikiisa rin para sa kaayusan sa paggunita ng Undas

- Advertisement -

Nakikiisa ang National Telecommunications Commission (NTC) sa paggunita ng mga Pilipino sa nalalapit na Undas.

Inaatasan ngayon ng NTC ang lahat ng kanilang regional directors sa buong bansa na makipagtulungan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Civic Action Groups (CAGs) at Amateur Radio Groups (ARGs) na magbigay ng tulong sa publiko sa kani-kanilang nasasakupan.

Kabilang sa ayuda na posibleng ipagkaloob ng mga nabanggit na ahensya ay tulad na lamang ng pagbibigay ng temporary permits and licenses para matiyak ang kaligtasan ng mga bibyahe o uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Samantala, hiniling rin ni NTC Commissioner Gamaliel Cordova sa lahat ng regional directors na makipagtulungan sa mga himpilan ng radyo, telebisyon at cable TV stations para maipabatid ang tamang impormasyon sa publiko ngayong Undas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -