Friday, May 3, 2024

PH panglima sa ‘worst impunity index for journalist deaths’ — watchdog

- Advertisement -

Pumanglima ang Pilipinas sa New York-based watchdog ‘worst impunity index for journalist deaths’.

Ang listahan ay tumutukoy kung saan hindi nareresolba ang mga nangyayaring pagpatay sa mga mamamahayag sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Presidential Task Force On Media Security (PTFOMS) Executive Director Joel Egco, hindi na niya ikinagulat ang ulat ng Committee to Protect Journalists (CPJ) na kabilang ang Pilipinas sa naturang listahan.

Ipinaliwanag ni Egco na covered ng naturang report ang 10-year period na pagkakasama ng Maguindanao massacre case noong taong 2009 kung saan nasawi ang 33 mamamahayag sa bansa.

Samantala, ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng hindi pa nareresolbang kaso ng pagpaslang sa mga mamamahayag kung saan umabot na ito sa 41 kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img