Friday, May 17, 2024

NoKor media tikom ang bibig sa kinaroroonan ni NoKor leader Kim Jong Un

- Advertisement -

Tikom ang bibig ng state media ng North Korea kaugnay sa kinaroroonan ng lider nilang si Kim Jong Un.

Isang araw ito matapos tumindi ang ispekulasyon hinggil sa tunay na kalusugan ni Kim na umano’y malubha kasunod nang pagsalang sa isang cardiovascular procedure.

Napansin na walang report hinggil sa pagdalo ni Kim o nabanggit ito sa kaarawan ni NoKor founding father at kaniyang lolo na si Kim Il Sung noong April 15.

Hindi rin binanggit sa headlines ng KNCA ang anumang tungkol sa 36  anyos na lider ng NoKor.

Subalit tinukoy sa isang report mula sa hindi pinangalanang North Korean source na si Kim ay ginagamot sa isang villa sa Mount Myohyang Resort na nasa hilaga ng capital na Pyongyang.

Mahigpit namang nakatutok ang South Korean at Chinese officials sa kalagayan ni Kim na winish naman ni US President Donald Trump na sana ay maayos ang kalusugan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -