Wednesday, May 8, 2024

NGCP ownership kinuwestyun ng Senado

- Advertisement -

Determinado ang Senado na imbistigahan ang operation at corporate structure ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ito ang tiniyak ni Senate Committee on Energy Chairman Senator Sherwin Gatchalian kaugnay ng ulat na 40% ng NGCP ay pagmamay-ari ng China.

Ayon kay Gatchalian, posibleng bawiin ng pamahalaan ang lisensya ng NGCP sa oras na mapatunayan na may paglabag ito sa batas.

Una rito, isinalang ng Senado ang NGCP sa pagdinig dahil sa pagtanggi nitong sumailalim sa full audit ng Department of Energy (DOE) at ng National Transmission Corporation.

Sa naging pagdinig, inamin ng NGCP na daan-daang beses sinubukang i-hack ng hindi pa natutukoy na hacker mula sa ibang bansa ang NGCP.

Paliwanag ni Gatchalian, ang naturang audit ang makapagpapatunay kung mayroong mga paglabag ang NGCP dahil kinakailangan ding masuri ang mga dokumento nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img