29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

PUV operators, drivers, konduktor, dapat magsuot ng face mask

- Advertisement -

Muling pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising Board (LTFRB) ang mga operators, tsuper, at konduktor ng mga pampublikong sasakyan na magsuot ng face masks.

Ito ay bilang proteksyon dahil sa gitna ng panganib ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ayon kay Martin Delgra, chairman ng LTFRB, patuloy ang kanilang panawagan sa mga drivers, at operators na sumunod sa kanilang ipinalabas na kautusan.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2020-005, obligado ang lahat ng operator, tsuper, at konduktor na magsuot ng face masks upang makaiwas sa banta ng virus, at mapigilan ang pagkalat nito.

Binigyang diin ni Delgra na papatawan ng parusa ang mga mapatutunayang lumabag sa kanilang kautusan.

Aniya, posibleng maharap sa tinatawag na breach of franchise ang mga ito na may kaakibat na multa na P5,000 pataas.

Bukod sa pagsusuot ng face masks, ipinag utos din ng LTFRB ang paglalagay ng hand sanitizers sa mga terminal at pagkakabit ng safety tips mula sa Department of Health.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -