Bilang ng mga nCoV PUI sa bansa pumalo na sa 215 —DOH

0
23

Sumampa na sa 215 ang bilang ng persons under investigation (PUI) sa bansa dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ito ang kinumpirma ng tagapagsalita ng Department of Health (DOH) na si Usec. Eric Domingo sa pulong balitaan ng ahensiya.

Ayon kay Domingo, 57 sa mga ito ang nag-negatibo sa virus, habang ang 184 naman ay kasalukuyang naka-isolate at naka-admit na sa mga pagamutan.

Sa ngayon, umabot naman sa 116 na indibidwal ang natukoy ng DOH matapos na makasalamuha ng 60 anyos na Chinese national, ang ikatlong nagpositibo sa nCoV sa bansa.

Sinabi ni Domingo na 4 sa mga ito ang nakitaan ng sintomas ng virus, at ino-obserbahan na ng mga eksperto.


Nasawi ang isa sa 215 persons under investigation (PUI) dahil sa posibleng impeksyon sa 2019 nCoV-ARD.

Ayon kay DOH spokesperson Usec. Eric Domingo, pnuemonia ang ikinasawi ng naturang PUI dahil sa underlying restrictive lung disease.

Sa ngayon, patuloy pa namang hinihintay ng DOH ang resulta sa mga pagsusuri sa mga nasabing PUI.