Thursday, May 9, 2024

nCoV outbreak idineklara nang global emergency ng WHO

- Advertisement -

Idineklara na ng World Health Organization (WHO) bilang global emergency ang novel coronavirus (nCoV) outbreak sa China na nakaapekto na sa 18 bansa –kabilang na ang Pilipinas.

Ayon kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, Director General ng WHO, ito ay dahil patuloy at mabilis ang pagkalat ng nCoV.

Kaugnay nito, naitala rin ang kauna-unahang person-to-person transmission ng sakit sa Estados Unidos.

Gayunman, nilinaw naman ng opisyal na ang deklarasyon ay hindi nangangahulugang wala silang tiwala sa China, kun’di nais lamang nilang mapigilan na kumalat pa ang peligrosong sakit sa mga bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img