29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Travel ban sa mga Chinese nat’l ‘di makatarungan —Go

- Advertisement -

Hindi makatarungan ang pagpapatupad ng travel ban laban sa mga biyaherong magmumula sa China.

Ito ang binigyang diin ni Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng senate committee on health, matapos na maitala ang kauna-unahang kaso ng 2019 novel coronavirus (nCoV) sa bansa.

Sinabi ni Go, sa ngayon ay wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagba-ban sa mga Chinese nationals.

Paliwanag ng senador, hindi lang naman kasi ang China ang tinamaan ng virus, at mayroon din namang kaso ng nCoV sa ibang mga bansa.

Sa pinakahuling report, hindi bababa sa 170 ang nasawi sa china dahil sa nCoV, habang libu-libo naman ang bilang ng apektado nito sa China, partikular na sa Wuhan City –ang episentro o ang pinagmulan ng nabanggit na virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -