Monday, May 6, 2024

NBP kinokontrol ng mga high-profile inmates — Lacson

- Advertisement -

Kontrolado ng mga high-profile inmates ang sistema sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ang isiniwalat ni Senator Panfilo “Ping” Lacson kung saan sinabi nito na ang mga makapangyarihan at mayayaman na inmates ang nagpapatakbo sa NBP.

Aniya, ang mga high profile inmates din ang nakapagma-mando kung sino ang dapat na ilipat ng kulungan, maconfine sa ospital at kung paano tatakbo ang operasyon ng iligil na droga sa loob ng kulungan.

Dagdag pa ng Senador, mas lumalala pa ang maling pamamalakad sa loob ng NBP kaya’t mabuting nasilip ito agad ng senado.

Matatandaang, nagkasa ng pagdinig ang Senado hinggil sa kuwestiyunableng implemenstasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law kung saan nabunyag din ang iba pang anomalya kagaya na lamang ng ‘GCTA for sale’ at ‘hospital pass for sale’.

Sa ngayon, kasado na naman ang muling pagdinig ng senado sa naturang isyu sa darating na Huwebes, Setyembere 19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img