35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Malakanyang nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni dating Senador Espina

- Advertisement -

Nagpa-abot na ng pakikiramay ang Malacañang sa mga kapamilya at kaibigan ng pumanaw na dating senador at gobernador ng Cebu na si Rene Espina.

Ito ay matapos kumpirmahin ng anak ni Espina na si dating Cebu City Councilor Erik Espina na pumanaw na ang kaniyang ama sa edad na 90.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, labis ang pasasalamat ng Malacañang sa dating senador na siyang bumalangkas ng kauna-unahang Anti-drugs law o ang Dangerous Drugs Act of 1972.

Aniya, malaki ang utang na loob ng publiko kay Espina dahil sa dedikasyon nito na matulungan ang pilipino noong ito ay naninilbihan pa bilang senador.

Si Espina ay nagsilbi din bilang kalihim ng Department of Public Works at Transportation and Communications noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at bilang pinakabatang administrator ng Social Security System sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Diosdado Macapagal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -