ASF sa Q.C walang kumpirmasyon —DA

0
8

Nilinaw ng Department of Agriculture na wala pang kumpirmadong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Quezon City.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagpositibo sa ASF ang ilang alagang baboy mula sa Barangay Bagong Silangan, Q.C. kasunod ng pagkamatay ng ilang alagang baboy bunsod ng hindi pa natutukoy na dahilan.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, hindi dapat pangunahan ang DA dahil wala pang resulta ang kanilang imbestigasyon hinggil sa mga alagang baboy.

Aniya, patuloy pa ring sinusuri ng DA at ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang mga narekober na patay na baboy mula sa creek ng Barangay Bagong Silangan.