Saturday, May 18, 2024

MMDA puspusan na ang preparasyon para sa undas

- Advertisement -

Puspusan na ang preparasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa undas sa susunod na linggo.

Tinututukan na ng MMDA-Task Force Special Operations ang mga kalsada habang nakatuon ang metro parkway clearing group staff sa mga lugar sa paligid ng mga pangunahing sementeryo.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, idineklara rin ni Chairman Danny Lim ang “no day off, no absent” policy para sa mga traffic personnel mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3.

Kabilang naman sa mga sementaryong i-mo-monitor at babantayan ng MMDA ang Manila North sa Maynila, manila south sa makati, loyola memorial park sa Marikina, Bagbag Public Cemetery sa Quezon City at Manila Memorial Park sa Parañaque.


DoTr handa na pagdagsa ng libu-libong pasahero sa undas

Handa na ang Department of Transportation (DoTr) sa pagdagsa ng libu-libong pasahero sa undas sa susunod na linggo.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, naka-heightened alert ang kanilang mga attached agency simula sa Sabado, Oktubre 27 hanggang Nobyembre 5.

Ito’y bilang preparasyon sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko lalo sa North at South Luzon expressways at upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.

Bukod sa mga expressway, nakatutok din ang DoTr sa sitwasyon sa mga pantalan at paliparan sa buong bansa maging ang biyahe ng mga tren.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -