Saturday, May 4, 2024

Pamunuan ng expressway naghahanda na sa undas

- Advertisement -

Naghahanda na ang pamunuan ng mga expressway para sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista sa darating na undas.

Ayon kay Glenn Campos, vice president for technology ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation, inaasahan na nila ang pagsisikip ng daloy ng trapiko simula pa lamang ng Oktubre 31 hanggang umaga ng Nobyembre 1.

Sinabi ni Campos na tumaas ng sampung porsyento ang bilang ng mga sasakyang dumadaan sa mga expressway tuwing undas kumpara sa mga ordinaryong araw.

Dahil dito, magdadagdag sila ng mga teller sa NLEX, SCTEX, Cavitex gayundin ng mga tauhang aalalay sa mga motoristang makakaranas ng aberya sa daan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img