Bagong patakaran sa Boracay inilatag ng DENR

0
56

Inilatag na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ilang bagong patakaran sa Boracay sa mga negosyante.

Ito ay bilang paghahanda sa opisyal na pagbubukas ng Boracay sa Oktubre 26.

Ayon sa DENR, kabilang sa ipagbabawal ay ang paglalagay ng mga upuan at lamesa sa beach front gayudin ang pagsasagawa ng fire dancing o open fire sa may bahagi ng beach.

Samantala, inaabisuhan naman ng denr ang mga turistang magtutungo sa Boracay sa Biyernes na kailangan nang iprisinta sa paliparan pa lamang ang kanilang booking ng tutuluyan sa Boracay.

Ang hotel o resort na tutuluyan ay dapat kabilang sa may 115 establisyementong inaprubahan ng Inter Agency Task Force.