Mga volunteer health workers makakatanggap pa ng ibang benepisyo — DOH

Mga volunteer health workers makakatanggap pa ng ibang benepisyo — DOH

by Powered by DWIZ
48 views

Hindi lamang P500 ang matatanggap ng mga volunteer health workers para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang naging paglilinaw ng Department of Health (DOH), kung saan binigyang diin nito na may matatanggap pang ibang benepisyo ang mga frontliner volunteers na isasabak upang tumulong sa mga pagamutan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bukod kasi sa P500 allowance na ibibigay sa mga ito ay makatatanggap din aniya ang mga volunteer health workers ng ‘special wages’ bilang kapalit ng kanilang ibibigay na serbisyo.

Kabilang din aniya sa mga ibibigay sa mga ito ang pagkain, kanilang matutuluyan habang sila ay naglilingkod, COVID-19 special risk allowance, transportation allowance, at hazard pay sa ilalim ng magna carte for public health workers.

Dagdag pa ni Vergeire, sasagutin din ng PhilHealth ang gastusin sakaling magkasakit ang mga volunteer health workers habang sila ay nasa serbisyo.

0 comment

Related Posts