Cuban government handang tumulong sa Pilipinas kontra COVID-19

Cuban government handang tumulong sa Pilipinas kontra COVID-19

by Powered by DWIZ
43 views

Handa ang gobyerno ng Cuba na tulungan ang Pilipinas na labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Bayan-Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, handa ang Cuban Government na umasiste sa gobyerno ng Pilipinas sa kampanya kontra COVID-19.

Sinabi ni Zarate, pinabatid mismo ng Philippine-Cuba Friendship Society ang kahandaan ng Cuban government na magpaabot ng tulong sa Pilipinas.

Una rito, nabatid na patuloy ang pagtulong ng pamahalaan ng Cuba sa mga bansang apektado ng COVID-19 kabilang na ang Italy, Venezuela at ilan pang bansa sa Europa.

Dagdag pa ng mambabatas, dapat na makipagtulungan ang gobyerno sa ibang bansa dahil hindi lamang ito giyera ng Pilipinas kontra COVID-19 kundi ito ay giyera ng mundo laban sa coronavirus disease.

Sa ngayon umabot na sa 1,036 ang kaso ng COVID-19 sa Cuba.

0 comment

Related Posts