Mayor ng San Juan City sasailalim sa self-quarantine

Mayor ng San Juan City sasailalim sa self-quarantine

by Powered by DWIZ
36 views

Boluntaryo nang sasailalim si San Juan City Mayor Francis Zamora sa 14-day self-quarantine.

Ito ay matapos na magpositibo ng isang staff ng alkalde sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang pahayag, tiniyak ng Alkalde na nasa maayos siyang kalagayan at malakas na pangangatawan.

Sinabi nito na pangangasiwaan pa rin naman niya ang pang araw-araw na operasyon sa lungsod kahit na siya ay naka-home quarantine.

Sa ngayon, nasa 49 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng San Juan.

0 comment

Related Posts