35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Mga tauhan ng AFP na nagpositibo sa COVID-19 pumalo na sa 44

- Advertisement -

Pumalo na sa 44 ang bilang ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa nabanggit na bilang, sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo na pito ang aktibong kaso ng COVID-19.

Habang 34 sa mga ito ang gumaling na at maaring nang makabalik sa trabaho, tatlo sa mga ito ang nakarekober na ngunit naghihintay pa rin ng clearance mula sa mga doktor.

Kaugnay nito, tiniyak din naman ni Arevalo na mahigpit nilang minomonitor ang kondisyon ng mga tauhan ng AFP lalo na’t naka-deploy ang mga ito sa iba’t-ibang panig ng bansa para tiyaking nasusunod ang mga umiiral na quarantine at health protocols.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -