Tuesday, May 7, 2024

‘Overpricing’ sa mga COVID-19 testing kits, packages na binabayaran ng PhilHealth posible —Drilon

- Advertisement -

Kuwestiyunable ang binabayaran ng PhilHealth para sa gastusin ng mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang isiniwalat ni Senador Franklin Drilon kung saan may potensiyal aniya na nagkakaroon ng ‘overpricing’ sa mga testing kits at packages.

Ayon kay Drilon, posibleng doble kasi ang binabayaran ng PhilHealth sa mga pribadong klinika kung saan umaabot ang isang COVID-19 tests sa halagang p8,150 kada test.

Aniya, papalo ito sa P8.3-bilyon para lamang maitest ang nasa 2-milyong mga Pilipino.

Sinabi ni Drilon, kung susumahin kasi, dapat ay nasa P4,000 lamang ang singil ng mga klinika para sa COVID-19 test dahil nasa P1,500 lamang ang halaga ng testing kits, P2,000 para sa screening nito, at P500 charge ng mga klinika.

Giit ng senador, maliwanag na mayroong overpricing na nagaganap sa panig ng mga klinika na nagpo-proseso ng COVID-19 tests.

Una rito, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na iimbestigahan nila ang mga ulat na nasa P8,000 ang singil ng ilang mga klinika, at laboratoryo para lamang sa isang COVID-19 tests.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img