Monday, May 6, 2024

85% ng mga nagpositibo sa COVID-19 ‘symptomatic’ —DOH

- Advertisement -

Walumpu’t limang porsyento (85%) ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay mayroong sintomas ng sakit.

Ito ang naging pagdepensa ni Health undersecretary Maria Rosario Vergeire hinggil sa hindi pagtetest ng pamahalaan sa mga asymptomatic patients.

Sinabi ni Vergeire, 85% naman kasi ng mga carriers ng virus ay mayroong sintomas ng sakit kaya’t ipinaglalaban aniya ng Department of Health (DOH) na itest na muna sa ngayon ang mga indibidwal na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.

Sa ngayon, target ng pamahalaan na mas paigitingin pa ang expanded targeted testing kung saan isasailalim sa COVID-19 test ang mga indibidwal na mayroong sintomas ng COVID-19, mga na-expose sa mga nagpositibo sa sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img