Thursday, May 2, 2024

Mga Pinoy na uuwi sa Pinas mula Singapore ‘di kailangang i-quarantine —PH Embassy

- Advertisement -

Walang ipinatutupad na travel ban ang Pilipinas sa Singapore.

Ito ang ginawang paglilinaw ng Embahada ng Pilipinas sa naturang bansa kasunod ng pangamba ng ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) dito na isasailalim sila sa quarantine kapag nagbakasyon na sa Pilipinas.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Singapore, hindi kailangan isailalim ang mga ito sa 14-day mandatory quarantine ngunit mahigpit na ipinapaalala na maging maingat ang mga ito upang hindi mahawaan ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Samantala, sa ngayon ay mayroon nang 81 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img