Friday, May 3, 2024

Taal nakapagtala ng 25 volcanic quakes sa magdamag

- Advertisement -

Nakapagtala ng 25 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.

Ayon sa PHIVOLCS, isa sa naitalang pagyanig ay naramdaman sa Agoncillo, Batangas at naitala ang intensity II alas-7:36 kagabi, Miyerkules, ika-19 ng Pebrero.

Naitala rin ang mahihinang pagbuga ng steam-laden plumes na umaabot sa 50 meters hanggang 100 meters na taas.

Samantala, nananatili namang nakataas sa Alert Level 2 ang status ng Bulkang Taal kung kaya’t ipinagbabawal parin ang pagpasok sa danger zone partikular na sa mismong isla ng Bulkang Taal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img