Sunday, May 5, 2024

Mga pasaherong lalapag sa Cebu mula China dadaan sa 14 araw na quarantine

- Advertisement -

Kailangang dumaan sa 14 na araw na quarantine ng lahat ng mga pasaherong magmumula sa China na lalapag sa Cebu.

Kasunod ito ng pag kumpirma ng DOH na 1 Chinese national ang kumpirmadong kauna–unahang kaso ng novel corona virus sa bansa.

Ayon kay Cebu Governor Gwen Garcia, lalagda siya sa isang executive order upang agarang maipatupad ang naturang kautusan.

Sa tulong ng ilan pang ahensiya ng gobyerno ay positibo si Garcia na maayos na maipatutupad ang quarantine para sa kaligtasan ng lahat.

Mayroon na aniya silang nakatalagang 3 pasilidad kung saan mananatili ang mga pasaherong isasailalim sa quarantine.

Kasabay nito, bubuo rin ang probinsiya ng anti–novel coronavirus task force.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img