32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Unang kaso ng novel corona virus (NCov) sa bansa kinumpirma ng DOH

- Advertisement -

Kinumpirma ng Department of Health ang kauna – unahang kaso ng novel corona virus sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, isang 38 anyos na babaeng Chinese na mula sa Wuhan, China bago nagtungo sa Hong Kong at dumating dito sa Pilipinas nuong January 21, 2020.

Na – admit sa isang government hospital ang babae nuong January 25 matapos siyang makaranas ng mild cough.

Sa kabila ng pagiging positibo ng dayuhan sa NCov ay hindi anila ito nagpapakita ng anomang sintomas o asymptomatic.

Ayon naman kay DOH epidemiology Bureau Chief Dr. Chito Avelino, dumating ang dayuhan sa bansa bilang isang turista at bumisita na sa Cebu at Dumaguete.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng contact tracing para matukoy ang sinakyang eroplano, mga lugar na pinuntahan at mga nakahalubilo ng biktima.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -