Paaralan sa Aklan na malapit sa naka confined na Chinese tourist suspendido ang klase

0
15

Suspendido ang klase sa 4 na paaralan sa Kalibo, Aklan malapit sa pasilidad kung saan naka confined ang mga Chinese tourist na under observation dahil sa sakit na novel coronavirus.

Ayon kay Kalibo Mayor Emerson Lachica, suspendido indefinitely ang klase sa regional Science High School for Region VI, Saint Gabriel College, Barangay Old–Bachao Sur Elementary School at Starglow Center for Academics and Arts.

Ginawa ito upang tiyakin ang kaligtasan ng mahigit 2,000 mga estudyanteng nag aaral malapit sa Gov. Corazon Legaspi-C–Bagnot Memorial Training Center kung saan nananatili ang 11 chinese na nakitaan ng sintomas ng nCoV.

Babawiin lamang aniya ang suspensiyon ng klase kapag natapos na ang quarantine sa mga dayuhan at makalabas na sa naturang pasilidad ang mga ito.