Friday, May 3, 2024

Mga naunsyaming kasalan ng mga taga-Cavite, Batangas handang tanggapin ng Manila Cathedral

- Advertisement -

Handang saluhin ng Manila Cathedral ang mga taga Cavite at Batangas na ikakasal subalit naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay Fr. Kali Llamado, Vice Rector ng Manila Cathedral, bagama’t may mga naka-iskedyul nang ikakasal ngayong Enero at Pebrero pero maglalaan pa rin sila ng araw para sa mga apektado.

Oras-oras aniyang isinasagawa ang kasalan sa Katedral araw-araw mula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Gayunman, nilinaw ng pari na hindi libre ang pagpapakasal sa Katedral subalit magbibigay naman sila ng diskuwento sa mga nagnanais ilipat ang lugar ng kasal.

Para sa mga intresado, personal aniyang makipag-ugnayan sa tanggapan ng Katedral sa Intramuros sa Maynila at dalhin ang mga kinakailangang papeles para mai-proseso ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img