Baguio: Mahigit sa P3.8 Milyong pisong halaga ng ilegal na droga, nasamsam

0
3
(Photo courtesy of PRO Cordillera PAGE)

Nadakip ng mga may kapangyarihan ang tinatawag na tulak ng droga at nakasamsam pa sila ng may kabuang PhP3,898,792.00 na halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa probinsiya ng Benguet at lungsod ng Baguio noong Huwebes Abril a 25 ng taong ito.

Sa lungsod ng Baguio City, ang magkasanib na City Drug Enforcement Unit (CDEU), Regional Intelligence Unit-14, at Baguio City Police Office Substation 9 ng Irisan ay nakaaresto ng isang 48-taong gulang na lalaki at 46-taong gulang na lalaki at nakatala bilang High-Value Individuals, matapos silang mahuli sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Purok 14 Cypress, Brgy. Irisan, na nagresulta sa pagkakasamsam ng sampung sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na 41 gramo at nagkakahalaga ng PhP278,800.00. Nakuha din sa kanila ang isa pang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 2.95 gramo na nagkakahalaga ng PhP19,992.00.

Ang mga suspek at ang nakumpiskang ebidensiya ay dinala na sa CDEU para maidokumento habang inihahanda ang pagsampa ng kaso sa paglabag sa RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala sa Benguet, ang mga operatiba ng Kibungan Municipal Police Station, Regional Intelligence Division, Police Drug Enforcement Unit, at ang PDEA-CAR ay nagsagawa ng marijuana eradication operation na resulta sa pagkakadiskubre ng 30 kilos ng pinatuyong tangkay ng marijuana na may kasamang fruiting tops na nagkakahalaga ng PhP3,600,000.00 sa Sitio Bato, Brgy. Tacadang, Kibungan. Ang mga matagpuang tanim na Marijuana ay binunot at sinunog sa kung saan din sila natagpuan matapos ang pagdudukumento sa mga ito.

Patuloy ang isinasagawang pagiimbestiga upang makilala ang mga nasa likod nito. (Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply