30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

CANCELLED FLIGHTS | JANUARY 18, 2020

- Advertisement -

Patuloy ang pagkakansela ng mga flights ng Philippine Airlines (PAL).

Sa abiso ng PAL, kinakailangang isailalim sa mga karagdagang checking o pagsusuri ang kanilang mga eroplano bunsod ng nangyaring ashfall dala ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Kaugnay nito, nasa 10 flight ang kanilang kinansela ngayong araw, Enero 18.

Kabilang anila rito ang flight PR 2525 at 2526 na biyaheng Manila – Cagayan at pabalik; flight PR 2967 at 2968 na biyaheng Manila – Butuan at pabalik; flight PR 2331 at 2332 na biyang Clark – Bacolod at pabalik.

Gayundin ang flight PR 2340 at 2341 na biyaheng Clark – Puerto Princesa, pabalik at flight PR 2376 at 2377 na biyaheng Clark – Caticlan at pabalik.

Samantala, ni-reschedule naman ang flight PR 408 na biyaheng Manila patungong Osaka at inilipat ang oras ng pag-alis nito alas tres y media ng madaling araw bukas, Enero 19.

Ipinabatid naman ng PAL na maaaring ipa-rebook o i-refund ng mga pasaherong apektado ng kanselasyon ang kanilang mga flights nang libre. — ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -