Saturday, May 4, 2024

Mga nasawi sa COVID-19 sa Indonesia posibleng mas marami pa — IDI

- Advertisement -

Posibleng nasa 1,000 na ang nasasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Indonesia.

Ayon ito sa Chairman ng Indonesian Doctors Association (IDI) dahil sa anito’y hindi pagkakatugma ng kanilang pagtaya sa bilang na nasawi at opisyal na bilang na ipinalabas ng kanilang pamahalaan.

Paliwanag ng chairman ng (IDI), hindi isinasama sa death toll ng gobyerno ng Indonesia ang mga pasyenteng hinihinalang may COVID-19 pero nasawi na bago pa man sila maisalang sa tests.

Gayung anito, inire-report ito ng mga hospital bilang pagkamatay dahil sa coronavirus.

Batay sa pinakahuling bilang ng Indonesia, nasa 535 na ang nasawi dahil sa COVID-19 sa kanilang bansa habang 6,248 na ang kumpirmadong kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img