Opisyal ng Pilipinas sa Sweden patay dahil sa COVID-19

0
26

Nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Honorary Consul ng Pilipinas sa Stockholm, Sweden.

Batay sa ulat, namatay si Honorary Consul General Erik Belfrage habang ginagamot sa Sankt Goran Hospital kung saan halos dalawang linggo na itong naka-confine.

Si Belfrage, 74 anyos ay isang businessman na nagsilbi bilang adviser ng Swedish business leader na Peter Wallenberg at pamilya niyo.

Itinalaga si Belfrage bilang Honorary Consul General ng Pilipinas sa Stockholm noong 2013.