Thursday, May 9, 2024

Mga magulang muling pinaalalahanan sa pagpapabakuna ng mga anak vs. polio —DOH, WHO

- Advertisement -

Muling pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) ang mga magulang na pabakunahan na kontra polio ang kanilang mga anak na may edad limang taong gulang pababa.

Ito ay matapos magpositibo sa type 1 at type 2 polio virus ang 26 sa mahigit 100 samples na ipinadala ng pamahalaan sa Japan para sa pagsusuri.

Ayon kay Health Spokesperson Usec. Eric Domingo, posible kasing mag-mutate ang virus at maging mas pahiripan na ang pagsugpo dito.

Aniya, natural kasing lumalabas ang polio virus sa dumi ng bata kaya’t dapat na magdoble ingat ang mga magulang dahil delikado ito at sa ganitong paraan kumakalat ang virus.

Kaya payo ng DOH, dapat nang pabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga anak, at dapat aniya na 95% ng mga bata ay nabakunahan na kontra polio para hindi na kumalat pa ang sakit.

Dagdag pa ni Domingo, makatitiyak naman ang publiko na ligtas ang bakuna kontra polio dahil ginagamit ito ng maraming bansa at sa matagal ng panahon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -