2020 panukalang pambansang pondo bubusisiin ni Duterte —Panelo

0
28

Mahigpit na bubusisiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinasang 2020 proposed national budget ng Senado.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, welcome sa Malacañang ang ipinasang pondo na ito lalo na’t una nang kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) na layon nitong pondohan ang mga public infrastructure projects, mga programa laban sa kahirapan at mga programa na gagawa ng maraming trabaho.

Gayunman, nanindigan naman si Panelo na gagawin ni Pangulong Duterte upang matiyak na naaayon sa batas ang lahat ng mga programa na nasa ilalim ng nasabing budget.