Friday, May 17, 2024

Mga industriya sa ilalim ng MECQ balik operasyon na matapos ang dalawang buwang lockdown

- Advertisement -

Papayagan nang makabalik sa operasyon ang mga non-essential na negosyo sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) epektibo ngayong araw.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez, ito’y dahil sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makabangon na muli ang ekonomiya ng bansa mula sa halos dalawang buwang lockdown.

Gayunman, sinabi ni Lopez na nais ng Pangulo na mahigpit pa ring sinususunod ng mga industriyang pinapayagan nang bumalik sa operasyon ang itinakdang health protocols.

Sa inilabas na talaan ng Malakaniyang ng mga negosyong maaari nang magbukas simula ngayong araw sa Metro Manila, Cebu at Laguna ay ang mga sumusunod:

Mga nasa agrikultura, forestry at pangisdaan; paggawa ng mga essential goods tulad ng pagkain at hindi nakalalasing na inumin; hygiene tulad ng sabon at disinfectant; gamot at vitamins; medical products tulad ng masks; pagkain sa hayop at pataba sa lupa.

Gayundin ang mga non-aesthetic na ospital at klinika tulad ng dermatological, dental, optometric at eent o eye, ear, nose & throat; laundry shops; mga kainan at water-refilling pero bawal ang dine-in (take-out at delivery lang).

Maaari na ring magbukas ang mga nasa logistics service providers tulad ng cargo handling, warehousing, trucking at shipping line, delivery services at taga linis ng pozo negro pero bawal pa rin ang pest control at iba pa.

Paalala ng IATF, kailangangan pa rin ng 50% lang ng mga nabanggit ang maaaring pumasok habang ang iba ay work from home para mapanatili ang physical distancing.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -