Thursday, May 2, 2024

Bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nasa mahigit 12,000 na

- Advertisement -

Lumagpas na sa 12,000 ang bilang ng nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa buong bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito’y dahil sa nadagdagan pa ang bilang ng mga bagong kaso nitong Biyernes, Mayo 15 sa 215 kaya’t umakyat na ito sa 12,091.

144 ang naitala sa National Capital Region (NCR), dalawa sa Region 7 o Central Visayas habang 69 naman sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Gayunman, nadagdagan ng 123 ang bilang ng mga gumaling sa sakit dulot ng virus kaya’t umakyat na ito sa 2,460.

Nadagdagan din ang bilang ng mga nasawi dulot ng COVID-19 sa 16 kaya’t umakyat na rin ang bilang nito sa 806 sa kabuuan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img