Friday, May 17, 2024

Mga earthquake drills kulang pa bilang paghahanda sa pagtama ng “the big one” — Salceda

- Advertisement -

Kulang pa para kay Albay Rep. Joey Salceda ang mga isinasagawang earthquake drill bilang paghahanda sa pagtama ng “the big one”.

Ayon kay Salceda, walang silbi ang mga ikinakasang shake drill kahit na kada buwan pa ito ipatupad kung hindi naman ito isinasapuso at sineseryoso ng publiko.

Aniya, kinakailangan na magsimula at makasanayan ang paghahanda sa bawat pamilya at sasabayan lamang ito ng pag-alalay ng mga otoridad at iba’t-ibang sektor ng gobyerno.

Kaugnay nito, kumpiyansa rin ang kongresista na mahalaga ring maitatag ang isang ahensiya ng pamahalaan tulad ng isinusulong na pagbuo ng DDR o Dept. of Disaster Resilience kung saan ang tanging trabaho nito ay pag-aralan ang mga delikadong lugar sa bansa at kung paano maiiwasang magkaroon ng malaking pinsala.

Sa ngayon, na sa unang pagbasa na ang House Bill 30 o ang pagbuo ng DDR at umaasa si Salceda na mapagtitibay na ng Senado ang counterpart measure nito ngayong 18th Congress.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -