Thursday, May 2, 2024

Pagkakaroon ng “healthy debate” sa pagtalakay sa death penalty sa Kamara tiniyak

- Advertisement -

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magkakaroon ng “healthy debate” sa Kamara sa oras na talakayin ang death penalty sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Cayetano, anuman ang maging posisyon ng mga mambabatas sa usapin na muling ibalik ang parusang kamatayan ay magiging maayos ang debate hinggil dito.

Aniya, se-sentro ang magiging debate sa aspeto ng kung paano mapapababa ang krimen sa bansa.

Paliwanag pa nito, kaya lamang isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang death penalty ay dahil sa patuloy na paglala ng problema sa droga sa Pilipinas.

Dahil dito, naniniwala aniya ang pangulo na tanging parusang kamatayan lamang ang susugpo sa lumalalang krimen sa bansa.

Kasabay nito, umapela rin naman ang House speaker sa kritiko ng death penalty na isipin na lamang na ito ay tugon sa lumalalang krimen sa bansa at hindi basta pagpatay lamang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img