Mga doktor sa Pilipinas nalagasan pa dahil sa COVID-19

Mga doktor sa Pilipinas nalagasan pa dahil sa COVID-19

by Powered by DWIZ
21 views

Nalagasan pa ng isang doktor ang mga nagsisilbing frontliners sa Pilipinas na patuloy na lumalaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay makaraang masawi ang pangulo ng Philippine Pediatric Society na si Dr. Sally Gatchalian dahil sa COVID-19.

Kinumpirma mismo ito ng kanyang nakababatang kapatid na si Ruby Rodriguez.

Nagsisilbi ring assistant director sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM) si Gatchalian.

Samantala, ayon kay Doctor Rustico Jimenez, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines, si Gatchalian ang ika-siyam na doktor na nasawi sa bansa sa gitna ng nararanasang health crisis bunsod ng COVID-19.

0 comment

Related Posts