Koko Pimentel nagsorry sa MMC

Koko Pimentel nagsorry sa MMC

by Powered by DWIZ
35 views

Nagsusumamo at nanghihingi ng pang-unawa sa samabayanang Pilipino si Senador Aquilino “Koko” Pimentel.

Ito ay matapos na umani ng batikos ang senador matapos niyang isugod sa Makati Medical Center (MMC) ang kaniyang manganganak na asawa matapos niyang magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang panayam, sinabi ni Pimentel na nanghihingi siya ng pang-unawa sa publiko lalo’t ito ang kailangang-kailangan niya sa ganitong sitwasyon.

Sinabi ni Pimentel, noong isinugod niya kasi ang kaniyang asawa sa ospital ay hindi pa niya natatanggap ang resulta ng pagsusuri mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Dagdag pa ng senador, mistula kasing hindi na niya alam kung saan ilulugar ang sarili dahil puro batikos na lamang aniya ang natatanggap ng mga mambabatas anuman ang maging resulta ng pagsusuri sa kanila.

Una rito, matatandaang binatikos ng pamunuan ng MMC si Pimentel dahil bago pa man lumabas ang resulta ng COVID-19 test ay itinuturing na itong person under investigation (PUI) kung saan sa kaniyang naging hakbang ay nilabag anila ng senador ang quarantine protocols.

Samantala, una nang inamin ng Department of Health (DOH) na hindi pa kaya ng pamahalaan na magsagawa ng mass testing dahil sa limitadong suplay ng testing kits.

Sa ngayon, tanging ang mga senior citizens lamang na mayroong mild symptoms, buntis at mga pasyenteng mayroong malalang sintomas ng COVID-19 ang maaring isailalim sa testing para sa COVID-19.

0 comment

Related Posts