Thursday, May 2, 2024

Mga bitak sa lupa sa ilang bayan sa Batangas lalo pang lumaki — PHIVOLCS

- Advertisement -

Mas lalo pang lumaki ang mga ground fissures o bitak sa lupa sa apat na bayan sa Batangas.

Ito’y ayon kay DOST Undersecretary at PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, kung saan namataan ng PHIVOLCS ang isang panibagong bitak sa bahagi ng Daang Kastila—na popular na trail hike sa mga turista.

Ayon pa kay Solidum, naglalabas din ng usok ang nasabing bagong bitak.

Sinabi pa ni Solidum na lumaki ng ilang sentimetro ang mga naitalang bitak sa Lemery, Agoncillo, Talisay at San Nicolas.

Sa pinakahuling monitoring ng PHIVOLCS, maituturing na “steady steam emission” ang aktibidad ng Bulkang Taal na naglalabas ng dark gray ash plumes na may taas na 100 hanggang 8 metro, at naglalabas ng abo sa timog kanlurang bahagi ng main crater.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img