28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

USGS, PHIVOLCS nag-usap ukol sa mga nakalap nilang datos sa aktibidad ng Bulkang Taal

- Advertisement -

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang PHIVOLCS sa United States Geological Survey (USGS).

Ayon kay PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, kahapon ay naka-usap nila ang mga eksperto sa USGS upang ikumpara ang nakalap nilang datos sa aktibidad ng Bulkang Taal.

Sinabi rin ni Solidum na nakatakda rin silang manghiram ng infrared camera sa nabanggit na U.S. agency upang malaman ang kasalukuyang temperatura sa Taal Volcano.

Noon lamang Huwebes, inilabas ng USGS ang kanilang satellite data na nagpapakita na tuyo na ang main crater ng Bulkang Taal na posibleng dahil sa mga underwater fissure sa Taal Lake na bunsod naman ng patuloy na pagtaas ng magma sa Bulkang Taal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -