Monday, May 6, 2024

Meralco tuluy-tuloy ang pagpapadala ng sulat sa kanilang customers

- Advertisement -

Tuluy-tuloy ang pagpapadala ng sulat ng Meralco sa kanilang customers para ipaliwanag ang May 2020 bill.

Ipinabatid ito ni Energy Secretary Alfonso Cusi matapos mag update sa kaniya si Meralco President at CEO Ray Espinosa hinggil sa pagpapadala ng sulat sa kanilang 4.1-million customers na sinimulan na nila nitong July 10.

Sinabi ni cusi na ipinaabot sa kaniya ni Espinosa na mas maiintindihan ng kanilang customers ang pagpapaliwanag nila para sa May 2020 bill kayasa sa nauna nang inisyu nila para sa June bill.

Kasabay nito ipinabatid ni Cusi na nag deploy na rin sila ng virtual agents sa ilang bayad center outlets na nasa franchise area ng Meralco para makausap ng paektadong customer ang sinumang empleyado ng power firm sa pamamagitan ng computer set up kaugnay sa kanilang billing concerns.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img