33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Masdan: Kabataan, Ating Alagaan Tungo Sa Ating Minimithing Kapayapaan

- Advertisement -

Davao City –  “Ang mga kabataan, ang pag-asa ng bayan”. Yan ang iniwang salita ng magiting na manunulat at doctor na si Gat Jose Rizal sa atin. Kaya naman bilang tugon sa mga sinabi ng ating mahal na bayani ay nag lunsad ng Indigenous People Youth Leadership Summit 2020 ang 3rd Infantry (Regardless of What) Battalion, 7th Infantry (Kaugnay) Division, Phil. Army na pinamumunoan ni Lt. Colonel Juvenal Mark T Tayamen Inf (GSC) Phil. Army kasama ang 1003rd Infantry (Raptor) Brigade, 10ID, PA sa pamumuno naman ni BGen. Nolasco A Mempin PA at ang aktibong grupo ng mga kabataan ang Youth For Peace Movement- TALBOS (YFPM-TAnan Lihok Batan-on ug Sundalo) na pinangunguluhan ni Lenard Pole sa Brgy Tambobong Gym, Tambobong, Baguio District, Davao City at nag umpisa noong ika-26 ng Agosto taong kasalukuyan.

Gugugulin ng Dalawampu’t-limang IP youth ang kanilang panahon sa tatlong araw na programa. Layunin ng programa na hubugin ang mga kabataan na maging isang responsabling mamamayan na may pagmamahal sa kanyang sariling bayan, maging isang magandang halimbawa sa ibang mga kabataan, at higit sa lahat maging matagumpay sa kanilang buhay.

Kasama din sa pagbubukas ng programa ang Punong Brgy ng Tambobong Hon. Ezekiel Salandao, IPMR Datu Pedro Ladao Jr. at Donna Mat Alo, DepEd na nag paabot ng kanilang supporta sa programa.

Ayon kay Punong Brgy Salandao, maganda na mag karoon ng Youth Leadership Summit sa mga kabataan sapagkar ang kabataan ngayon ay siya namang mamumuno sa kanilang lugar pagdating ng panahon.

Dagdag naman ni BGen. Mempin, ang YLS ay naglalayung paunlarin ang kinabukasan ng bawat lider sa ating kumonidad. Ang TALBOS ay pagkakaisa ng kabataan at kasundaluhan para sa mapayapang at maunlad na kumunidad.

“Patriotism, Service, Leadership and Loyalty, isa yan sa mga matututunan ng ating mga kabataan na kasali sa programang ito. Mahalaga ito upang mahubog ang kumpyansa sa sarili ng mga kabataan. Ito ang “first step” nila sa kanilang tagumpay sa buhay” sabi ni Lt. Colonel Tayamen.
(1003rd CMO/ DPAO 10th ID)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -