Thursday, May 2, 2024

Manila Water makakakuha ng 75% water allocation sa Kaliwa dam project –Manila Water president

- Advertisement -

Makakakuha ang Manila Water Company ng 75% na magiging alokasyon ng tubig mula sa panukalang Kaliwa dam project.

Ayon kay Manila Water President and CEO Ferdinand Dela Cruz, katumbas ito ng apatnaraan at limampung milyong litro kada araw mula sa anim naraang milyong litro kada araw na tinatayang  magiging suplay ng tubig sa Metro Manila ng Kaliwa dam.

Kasabay nito, iginiit ni Dela Cruz, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bagong mapagkukunan ng tubig para sa Metro Manila.

Sinabi ni Dela Cruz, inaasahan nilang babagsak ang tubig sa Angat dam pagsapit ng 2020 na makakaapekto naman sa suplay ng Metro Manila.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img