Friday, May 17, 2024

Water level sa Angat at La Mesa dam muling tumaas

- Advertisement -

Muling nadagdagan ang antas ng tubig sa Angat at La Mesa dam ngayong araw.

Bunsod na rin ito ng naranasang pag-uulan sa magdamag.

Batay sa datos ng PAGASA kaninang 6 ng umaga, naitala sa 167.17 meters ang water level sa Angat dam.

Mas mataas ito sa naitalang 166.2 meters kahapon.

Habang nasa 74.65 meters naman ang antas ng tubig sa La Mesa dam na bahagyang mataas sa naitalang 74. 48 meters kahapon.

Gayundin, bahagyang nadagdagan ang Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque at Pantabangan dam habang bumaba naman ang Magat at Caliraya dam.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -